outbrain

WATCH: Marcelito Pomoy tumanggap ng standing ovation sa kaniyang performance sa America’s Got Talent

By Dona Dominguez-Cargullo January 14, 2020 - 10:18 AM SHARE(S):

Sumali si Marcelito Pomoy sa America’s Got Talent – The Champions.

Si Pomoy ay unang itinanghal na champion sa Pilipinas Got Talent noong 2011 bunsod ng pag-awit gamit ang dalawang boses – pangbabae at panglalaking boses.

Mula noon ay naging viral na si Pomoy at nagkaroon na ng guesting sa mga international shows.

Sa kaniyang performance sa AGT inawit ni Pomoy ang kantang ‘The Prayer’ gamit ang dalawang boses.

Napahanga ni Pomoy ang mga hurado kabilang na sina Simon Cowell at Heidi Klum.

Si Howie Mandel naman ay ibinahagi pa sa kaniyang Facebook Page ang video ng performance ni Pomoy.

TAGS: America's Got Talent: The Champions, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Marcelito Pomoy, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, America's Got Talent: The Champions, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Marcelito Pomoy, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.