Mga parokya magkakaroon ng second collection bilang tulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng Taal Volcano
Iniutos ng Archdiocese of Manila ang pagkakaroon ng second collection para sa mga biktima ng pagputok ng Taal Volcano.
Sa nilagdaang circular ni Fr. Reginald Malicdem, inaatasan ang mga parish priest, rectors at chaplains sa lahat ng nasasakupan ng Archdiocese of Manila na magkaroon ng second collection.
Ito ay gagawin simula sa mga misa Sabado, January 18 at sa sa lahat ng misa sa Linggo, January 19.
Iniutos din ang agad na pag-remit ng mga makukulektang halaga ng hindi lalagpas sa January 22, 2020 sa Accounting Department ng Arzobispado de Manila.
Hinimok din ang lahat na magkaisa sa pananalangin para sa paghinto ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.