LOOK: Syrian vlogger na nakabase sa Pilipinas bumili ng daan-daang kahon ng N95 masks para ipamigay sa Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo January 14, 2020 - 09:50 AM

Daan-daang kahon ng N95 masks ang binili ng isang Syrian vlogger na naka-base sa Pilipinas.

Ang naturang mga masks ay libre niyang ipapamahagi sa Batangas at Tagaytay.

Sa kaniyang post sa Facebook page niyang The Hungry Syrian Wanderer, sinabi ng dayuhang si Basel na ilang tindahan sa Metro Manila ang inikutan niya para makahanap ng N95 masks.

At nang may nakita siya, agad siyang bumili ng daan-daang kahon na may lamang 50 pirasong masks kada isang kahon.

Sinimulan ni Basel ang paghahanap ng masks kahapon (Jan. 13) ng umaga sa mga hardware at sa iba’t ibang branch ng Mercury Drug sa Pasay, Las Pinas, Paranaque at Muntinlupa.

Gabi na nang makabili ng N95 masks si basel sa Maynila.

Maliban sa N95 masks ay bumili din si Basel ng maraming bottled water at mga diaper.

TAGS: ashfall, Basel, Breaking News in the Philippines, Bulkang Taal, Inquirer News, N95 masks, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Syrian Vlogger, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, The Hungry Syrian Wanderer, ashfall, Basel, Breaking News in the Philippines, Bulkang Taal, Inquirer News, N95 masks, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Syrian Vlogger, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, The Hungry Syrian Wanderer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.