Suplay ng bigas para sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal sapat ayon sa NFA

By Dona Dominguez-Cargullo January 14, 2020 - 09:15 AM

Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na mayroong sapat na suplay ng bigas sa mga lugar na naapektuhan ng pagputok ng Taal Volcano.

Ayon kay NFA Administrator Judy Carol L. Dansal, bukas din ang lahat ng Operation Centers (OPCEN) mg NFA central at field offices sa loob ng 24-oras.

Bagaman mayroong deklarasyon ng suspensyon ng pasok sa gobyerno sa Batangas, mayroong skeletal force ang NFA sa kanilang field office at warehouse sa lalawigan.

Base sa datos ng NFA, mayroong stocks ng bigas sa Region 4 na aabot sa 1,930,000 bags; ang NCR ay mayroong 197,000 bags, habang ang Region 3 ay mayroong 1,963,000 bags.

Tiniyak din ni Dansal na ligtas kainin ang NFA rice dahil maayos itong nakaimbak sa warehouses ng NFA at ang mga warehouse nila ay hindi naapektuhan at hindi napasok ng ashfall.

TAGS: ashfall, Batangas, Breaking News in the Philippines, Bulkang Taal, Inquirer News, NFA Rice, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, rice supply, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, ashfall, Batangas, Breaking News in the Philippines, Bulkang Taal, Inquirer News, NFA Rice, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, rice supply, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.