M3.3 na lindol tumama sa Calaca, Batangas; Intensity II naitala sa Tagaytay City

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng Calaca sa Batangas.

Naitala ang pagyanig sa layong 3 kilometers northeast ng Calaca, alas 8:27 ng umaga.

Naitala ang Intensity II sa Tagaytay City bunsod ng pagyanig.

6 kilometers ang lalim ng lindol.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...