Bulkang Taal maari pa ring magkaroon ng malakas na pagsabog – PHIVOLCS
Hindi pa natatapos ang panganib na maaring maidulot ng pagaalburuto ng Bulkang Taal.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum dapat panatilihing off limits ang buong Volcano Island.
Apela ni Solidum sa mga residente huwag na munang magpumilit na pumasok sa nasabing lugar pati na sa itinuturing na sakop ng high-risk areas o iyong nasa 14 kilometers ng Taal Volcano.
Payo ni Solidum, sa mga residente manatiling maging maingat at alerto dahil nananatili ang posibilidad na magkaroon pa rin ng pagsabog.
Sinabi rin ni Solidum na hindi gaya ng bagyo na mabilis ang pagdating at mabilis din ang pag-alis, ang kalamidad na dulot ng pag-aalburuto ng bulkan ay nagtatagal.
Maari aniyang abutin ng ilang linggo, at noon nga ay inabot pa ng ilang buwan bago huminto ang Bulkang Taal sa pag-aalburuto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.