outbrain

Coast Guard ship ng China nasa bansa para sa goodwill visit

By Dona Dominguez-Cargullo January 14, 2020 - 08:08 AM SHARE(S):

Nasa Pilipinas ngayon ang Coast Guard ship ng China para sa ilang araw na goodwill visit.

Lulan ng China Coast Guard Vessel 5204 si China Coast Guard director general Wang Zhoncai at mga tauhan nito.

Isang seremonya naman ang inihanda ng Philippine Coast Guard para i-welcome si Wang at ang CCG ship.

Sa kasagsagan ng pagbisita sa bansa na tatagal hanggang sa Biyernes ay magkakaroon ng bilateral talks sa pagitan ng PCG at CCG.

Kabilang sa maaring matalakay ay kung paanong maiiwasan ang collisions sa karagatan ng dalawang bansa, hotline communication, search and rescue operation, at posibleng pagkakaroon ng joint exercises sa maritime security.

TAGS: Breaking News in the Philippines, chona coast guard ship, goodwill visit, Inquirer News, PH news, philippine coast guard, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, chona coast guard ship, goodwill visit, Inquirer News, PH news, philippine coast guard, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.