DPWH-NCR nairita sa ‘paninisi’ ng MMDA sa isyu ng traffic

By Jay Dones January 28, 2016 - 04:17 AM

 

edsa workIkinairita ni DPWH-NCR ang anunsyo kamakailan ni MMDA Traffic Engineering Head Neomie Recio na posibleng lalong bumigat ang trapiko sa kahabaan ng EDSA dahil sa sisimulang DPWH flood control project.

Kamakailan, inanunsyo ni Recio na sisimulan ng DPWH ang drainage improvement sa susunod na buwan sa northbound lane ng EDSA na makakapaekto sa traffic sa pagitan ng White Plains at Mega Q-mart sa Cubao.

Ayon kay Melvin Navarro, director ng DPWH-NCR, mistulang ipinapakita ng MMDA na ang DPWH ang dahilan ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa EDSA.

Giit ni Recio, hindi pa naaprubahan ng MMDA ang flood control project na nakabinbin simula pa noong nakaraang taon.

Sa halip aniyang pag-usapan ang magandang kahihinatnan ng flood control project sakaling matapos na ito, mistulang ‘nilalaglag’ pa sila ng MMDA at pinalulutang ang isyu ng trapik na may negatibong epekto nito sa publiko.

Samantala, itinanggi naman ni Recio na kanilang ‘nilalaglag’ ang DPWH sa isyu ng flood control project at ang posibleng trapik na idudulot nito sa mga motorista.

Paliwanag ni Recio, nais lamang nilang bigyan ng kaukulang impormasyon ang publiko sa mga lugar na magkakaroon ng pagbibigat ng daloy ng trapiko sa oras na umpisahan ang pyoekto ng DPWH.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.