Mga pekeng balita hinggil sa aktibidad ng Bulkang Taal huwag ipakalat – NDRRMC
Ikinaalarma ng mga evacuees ang balitang kumakalat sa social media na itinaas na ang Alert level 5 sa Bulkang Taal.
Ang impormasyon na itinaas na umano ng Phivolcs ang alert level 5 sa bulkan ay kumalat kahapon sa Facebook at sa Messenger.
Dahil dito umapela ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi kumpirmadong balita.
Ang tanging impormasyon lang na dapat ibahagi ang mga mula sa reliable sources gaya ng NDRRMC, Office of the Civil Defense at Phivolcs.
Pinahihinto rin ang netizens sa pag-share ng mga balitang hindi naman galing sa opisyal na sources.
Ayon sa NDRRMC, ang mga pekeng balita ay maaring magdulot ng kalituhan at panic lalo na sa mga apektado nang residente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.