LOOK: Padre Pio Parish and National Shrine sa Batangas nagsisilbi ring evacuation center

By Dona Dominguez-Cargullo January 14, 2020 - 07:04 AM

May mga evacuees na rin sa Padre Pio Parish and National Shrine sa Batangas.

Ilang pamilya ang npansamantalang nasa Divine Mercy Sanctuary for Pilgrims ng naturang simbahan matapos silang maapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon sa Facebook page ng simbahan, tumatanggap na rin ito ng donasyon para sa mga apektadong pamilya.

Ang mga tulong na kailangan ng mga naapektuhang pamilya ay tsinelas, kumot, banig/kutson, unan, toothbrush, sanitary napkin, adult at baby diaper (M, L, XL) at bagong underwear.

Ang mga tulong at donasyon ay maaring dalhin sa Padre Pio Parish and National Shrine.

TAGS: ashfall, Breaking News in the Philippines, Bulkang Taal, evacuees, Inquirer News, Padre Pio Parish and National Shrine, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, ashfall, Breaking News in the Philippines, Bulkang Taal, evacuees, Inquirer News, Padre Pio Parish and National Shrine, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.