Taguig LGU nagkaloob ng tulong sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal

Nagpadala ng tulong ang Taguig City Local Government sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.

Alas 3:30 ng madaling araw ngayong Martes (Jan. 14) ng dumating sa Tagaytay City Centrum ang Taguig Rescue team at City Social Welfare and Development Office.

Bitbit nila ang mga bottled water, N95 facial masks, hygiene kits at family food packs.

Nagpaabot din ng pakikisimpatya ang lokal na pamahalaan ng Taguig sa mga naapektuhang pamilya.

Read more...