outbrain

Water level ng Angat dam nabawasan sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo January 14, 2020 - 06:42 AM

Nabawasan pa sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ng Martes, Jan. 14 ay nasa 204.41 ang water level ng dam.

Nabawasan kumpara sa 204.57 meters na antas nito kahapon ng umaga.

Ang Ipo dam naman at La Mesa dam ay walang pagbabago ang water level sa magdamag na nasa 101.08 meters at 77.77 meters.

Nabawasan din ang water level sa Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.

Habang nadagdagan naman ang water level sa Binga dam.

TAGS: angat dam, Breaking News in the Philippines, dam status, hydrology, Inquirer News, pagasa, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, angat dam, Breaking News in the Philippines, dam status, hydrology, Inquirer News, pagasa, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.