outbrain

Aabot sa P136,000 na halaga ng hinihinalang shabu nakumpiska sa buy-bust operation sa Pasay

By Rose Cabrales January 14, 2020 - 05:57 AM SHARE(S):

Arestado ang 4 na lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay 152 sa Pasay City, gabi ng Lunes (January 13).

Ang mga naaresto ay isang tattoo artist, isang river ranger, isang basurero at ang target ng operasyon na si alyas Manny na pawang kabilang sa drugs watchlist.

Ayon kay Police Capt. Deni Mari Pedrozo ng Pasay Police Station, nakumpiska sa 4 na suspek ang 16 sachet ng

hinihinalang shabu na may bigat na 20 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng P136,000 libong piso.

Nahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: 4 arestado, Barangay 152, Breaking News in the Philippines, buy bust, drugs, Inquirer News, Pasay, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, shabu, Tagalog breaking news, tagalog news website, 4 arestado, Barangay 152, Breaking News in the Philippines, buy bust, drugs, Inquirer News, Pasay, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, shabu, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.