Sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa mga evacuation centers ngayon ang 7,730 na pamilya o katumbas ng 35,945 na katao.
Mayroong evacuation centers sa 27 lungsod at munisipalidad sa Batangas.
Ayon sa NDRRMC, wala naman pang naitatalang nasawi nang dahil sa pagsabog ng bulkan.
Nananatili rin sa alert level 4 ang Taal Volcano.
Patuloy pa ang asessement ng pamahalaan sa halaga ng pinsala na naidulot ng pagputok ng bulkan.
MOST READ
LATEST STORIES