Mahigit 35,000 na indibidwal inilikas dahil sa pagputok ng Bulkang Taal

By Dona Domiguez-Cargullo January 14, 2020 - 06:18 AM

Umabot na sa mahigit 30,000 katao ang ang inilikas dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

Sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa mga evacuation centers ngayon ang 7,730 na pamilya o katumbas ng 35,945 na katao.

Mayroong evacuation centers sa 27 lungsod at munisipalidad sa Batangas.

Ayon sa NDRRMC, wala naman pang naitatalang nasawi nang dahil sa pagsabog ng bulkan.

Nananatili rin sa alert level 4 ang Taal Volcano.

Patuloy pa ang asessement ng pamahalaan sa halaga ng pinsala na naidulot ng pagputok ng bulkan.

TAGS: ashfall, Breaking News in the Philippines, Bulkang Taal, evacuees, Inquirer News, NDRRMC, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, ashfall, Breaking News in the Philippines, Bulkang Taal, evacuees, Inquirer News, NDRRMC, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.