LPA sa Eastern Samar malulusaw ayon sa PAGASA
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area na nasa bahagi ng Eastern Samar.
Huling namataan ang LPA sa layong 670 kilometers east northeast ng Guiuan, Eastern Samar.
Ayon sa PAGASA, hindi naman inaasahang magiging bagyo ang LPA, didikit ito sa tail-end of a cold front bago tuluyang malusaw.
Para sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, ang Eastern at Central Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa tail-end ng cold front.
Ang Batangas, Cavite, Laguna at Quezon naman ay makararanas din ng maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan at thunderstorms dahil sa volcanic activity ng Taal.
Apektado naman ng Amihan ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Aurora Province at magdudulot ito ng mahihinang pag-ulan.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA wala namang sama ng panahon na papasok sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
=
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.