Ang epicenter ng mga naitatalang lindol ay sa mga bayan ng Agoncillo, Laurel, Talisay, Calaca, Lemery, Mataas na Kahoy sa Batangas at sa Tagaytay City.
Alas 12:21 ng madaling araw nang maitala ang magnitude 3.1 sa Agoncillo, Batangas.
Magnitude 3.4 na pagyanig naman ang tumama sa Tagaytay City, ala 1:14 ng madaling araw.
Makalipas lang ang ilang minuto, ganap na ala 1:18 ng madaling araw ay muling niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng Agoncillo.
Alas 2:05 naman ng madaling araw nang tumama ang magnitude 3.9 na lindol sa bayan ng Talisay.
Sa nasabing pagyanig ay naitala ang intensity IV sa Tagaytay City, at Intensity I sa Pasig City at Malabon City.
Niyanig din ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Calaca alas 2:40 ng madaling araw.
Magnitude 3.3 naman ang tumama sa Laurel, Batangas alas 2:51 ng madaling araw at magnitude 3.6 sa Taal, Batangas alas 2:58 ng madaling araw.
Sa pagitan ng alas 4:09 ng umaga hanggang alas 4:55 ng umaga ay magkakasunod na magnitude 3.3 at dalawang 3.1 ang naitala sa Agoncillo.
Pawang hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing mga pagyanig na naranasan sa Batangas.