outbrain

4 na drug suspects arestado sa magkasunod na buy-bust operation sa Makati, 41 sachet ng shabu nakumpiska

By Rose Cabrales January 14, 2020 - 05:30 AM SHARE(S):

Kalaboso ang 4 na drug suspects sa isinagawang magkasunod na buy-bust operation sa Makati, gabi ng Lunes (January 13).

Ayon sa Makati Police, unang naaresto ang isang lalaki, 39 taong gulang na tulak umano ng drogra sa Barangay Guadalupe Nuevo sa Makati.

Sampung sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa unang naarestong drug suspect.

Sunumod naman na naaresto ang isang babae at dalawang lalaki sa Barangay Comembo.

Nakumpiska naman sa kanila ang 31 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P16,000.

Nasa kustodiya na ng sa Makati City Police Station ang apat na naaresto.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: 4 timbog, 41 sachet ng shabu nakumpiska, Barangay Comembo, Barangay Guadalupe Nuevo, Breaking News in the Philippines, Buy bust ops, drugs, Inquirer News, Makati buy bust, Makati Police, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, shabu, Tagalog breaking news, tagalog news website, 4 timbog, 41 sachet ng shabu nakumpiska, Barangay Comembo, Barangay Guadalupe Nuevo, Breaking News in the Philippines, Buy bust ops, drugs, Inquirer News, Makati buy bust, Makati Police, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, shabu, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.