Residential area tinupok ng apoy sa Cebu City, aabot sa P1M halaga natupok na mga ari-arian

By Rose Cabrales January 14, 2020 - 05:28 AM

Aabot sa 1 milyon piso ang halaga ng mga ari-ariang natupok ng apoy sa sunig sa residential area sa Barangay Luz, Cebu City, gabi ng Lunes (January 13).

Ayon kay Fire Officer 2 Fulbert Navarro ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa ika-3 na palapag ng bahay ng pamilya Lapiz, alas-8 ng gabi sa Sitio Sto. Nino 3 at naapula naman ng 9:50 ng gabi kung saan aabot sa 60 bahay ang natupok ng apoy.

Ang mga biktima ng sunog ay nananatili sa Sitio Abellana Gym at nabigyan na rin naman sila ng lokal na pamahalaan ng Barangay Luz ng pagkain.

Iniimbestigahan pa ng BFP ang sanhi ng sunog at kabilang sa titingnan na anggulo ang problema sa koneksyon sa kuryente na posibleng pinagmulan ng apoy.

Samantala, ayon naman kay Cebu City Mayor Edgardo Labella makakabalik ang mga nasunugan sa kanilang mga lugar dahil pag-aari ng gobyerno ang nasunog na pinagtatayuan ng mga bahay at magbibigayan din ng ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan sa mga biktima.

TAGS: BFP, Breaking News in the Philippines, Cebu City Mayor Edgardo Labella, Fire Officer 2 Fulbert Navarro, Inquirer News, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, residential area, Sitio Sto. Nino 3, sunog, Tagalog breaking news, tagalog news website, BFP, Breaking News in the Philippines, Cebu City Mayor Edgardo Labella, Fire Officer 2 Fulbert Navarro, Inquirer News, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, residential area, Sitio Sto. Nino 3, sunog, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.