Pampanga niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa bayan ng Magalang sa lalawigan ng Pampanga.

Naitala ang pagyanig sa layong 9 kilometers northeast ng Magalang alas 2:06 ng madaling araw ng Martes, Jan. 14.

May lalim na 39 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Olongapo City bunsod ng naturang lindol.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...