outbrain

Agoncillo, Batangas muling niyanig ng magnitude 4 na lindol

By Angellic Jordan January 14, 2020 - 12:36 AM

Muling niyanig ng magnitude 4 na lindol ang Agoncillo, Batangas Lunes ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 6 kilometers Northwest ng nasabing bayan dakong 11:39 ng gabi.

May lalim ang lindol na 10 kilometers at tectonic ang dahilan.

Dahil dito, naramdaman ang intensity 3 sa Tagaytay City habang intensity 2 naman sa Malabon City.

Samantala, instrumental intensity 3 naman ang naitala sa Tagaytay City.

Tiniyak ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

TAGS: Agoncillo, Batangas, lindol, phivolcs, Agoncillo, Batangas, lindol, phivolcs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.