Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection National Capital Region (BFP NCR)m naganap ang sunog sa bahagi ng Senatorial Road sa Barangay Batasan bandang 7:00 ng gabi.
Mabilis kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay.
Dahil dito, agad itinaas sa ikaapat na alarma ang sunog bandang 7:27 ng gabi.
Idineklara namang fire out bandang 8:25 ng gabi.
LOOK: Sunog sa Senatorial Road sa Barangay Batasan, Quezon City na umabot sa 4th alarm, fire out na | @jongmanlapaz pic.twitter.com/FQjUUIrrBO
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 13, 2020
Patuloy pang inaalam kung ano ang naging sanhi at magkano ang halaga ng pinsala bunsod ng sunog.
READ NEXT
Trabaho sa NCR at Region 3, balik-normal na; Klase at trabaho sa Batangas, suspendido pa rin
MOST READ
LATEST STORIES