outbrain

Sunog, sumiklab sa isang residential area sa QC

By Angellic Jordan, Jong Manlapaz January 13, 2020 - 11:16 PM SHARE(S):

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Quezon City, Lunes ng gabi.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection National Capital Region (BFP NCR)m naganap ang sunog sa bahagi ng Senatorial Road sa Barangay Batasan bandang 7:00 ng gabi.

Mabilis kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay.

Dahil dito, agad itinaas sa ikaapat na alarma ang sunog bandang 7:27 ng gabi.

Idineklara namang fire out bandang 8:25 ng gabi.

Patuloy pang inaalam kung ano ang naging sanhi at magkano ang halaga ng pinsala bunsod ng sunog.

TAGS: BFP-NCR, Senatorial Road in Barangay Batasan, sunog sa Quezon City, BFP-NCR, Senatorial Road in Barangay Batasan, sunog sa Quezon City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.