MMDA, maglalagay ng portable water purifiers sa Santo Tomas, Batangas

By Angellic Jordan January 13, 2020 - 08:25 PM

Maglalagay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng dalawang portable water purifiers sa Santo Tomas, Batangas.

Sa isang press conference, sinabi ni MMDA Public Safety Office and Disaster Risk Reduction and Management Focal Person head Michael Salalima na ito ay para sa libu-libong indibidwal na inilikas bunsod ng pag-alboroto ng Bulkang Taal.

Itatalaga rin anila ang kanilang radio personnel para magkaroon ng communication facility sa lugar.

Nauna nang nagtalaga ang MMDA ng 30 rescue-and-relief personnel bilang maging bahagi ng operasyon sa paglikas ng mga residente.

Tiniyak naman ng ahensya sa publiko na mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Calabarzon at Batangas.

Humiling din sina MMDA general manager Jojo Garcia at Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) officer-in-charge Romulo Cabantac sa 17 ng local government units sa Metro Manila na tumulong sa evacuation at relief operations.

TAGS: Batangas, Bulkang Taal, mmda, pag-alboroto ng Bulkang Taal, portable water purifier, Santo Tomas, Batangas, Bulkang Taal, mmda, pag-alboroto ng Bulkang Taal, portable water purifier, Santo Tomas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.