Biyahe pauwi ng ilang OFW mula Iraq, posibleng maapektuhan – Lorenzana

By Angellic Jordan January 13, 2020 - 07:16 PM

Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng maapektuhan ang pag-uwi sa Pilipinas ng unang batch ng mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa Iraq.

Ito ay dahil sa pag-alboroto ng Bulkang Taal.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kalihim na posibleng maapektuhan ang biyahe ng mga OFW dahil apektado rin ang mga biyahe patungo at paalis ng Maynila bunsod ng ibinubugang abo ng bulkan.

Mula sa Iraq, darating aniya ang mga OFW sa Doha, Qatar sa January 14 bandang 12:30 ng madaling-araw.

Sa Doha manggagaling ang mga OFW pabalik ng Maynila.

Matatandaang bumalik ang partial operations ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Lunes ng umaga.

TAGS: Bulkang Taal, OFW mula Iraq, Sec. Delfin Lorenzana, Bulkang Taal, OFW mula Iraq, Sec. Delfin Lorenzana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.