Manila Water, namigay ng tubig sa ilang apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Taal

By Angellic Jordan January 13, 2020 - 06:33 PM

Namigay ang Manila Water ng libreng tubig sa mga residenteng lubhang naapektuhan sa Batangas.

Ito ay bunsod pa rin ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal.

Ayon sa water concessionaire, namigay ng 1,600 galon ng tubig sa mga residente sa bahagi ng Sta. Teresita, Batangas.

Nagbigay naman ng 2,905 bote ng tubig sa Bauan, Batangas.

Samantala, nasa 4,000 galon ng inuming tubig ang ipinamahagi sa mga evacuee sa Agoncillo, San Nicolas, Laurel, Taal at Talisay pamamagitan ng kanilang Manila Water Foundation at iba pang partners.

TAGS: Bulkang Taal, manila water, pag-alboroto ng Bulkang Taal, Bulkang Taal, manila water, pag-alboroto ng Bulkang Taal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.