Operasyon ng NAIA, unti-unti nang bumabalik sa normal – MIAA
Unti-unti nang bumabalik sa normal ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay bunsod pa rin ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal na simula 12:00 ng tanghali, January 13, partial operations na ang NAIA.
May mga bumibiyahe nang eroplano. Ibig-sabihin, mayroon nang arrival at departure flights na.
Tuloy na rin aniya ang recovery flights na naantala simula araw ng Linggo, January 12, dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal.
Hindi naman matukoy ni Monreal kung kailan maibabalik sa normal ang operasyon ng NAIA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.