Batangas, humihingi na ng ayuda para sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal – Rep. Ermita-Buhain

By Chona Yu January 13, 2020 - 04:39 PM

Kuha ni Fritz Sales

Humihingi na ng ayuda ang Batangas para sa mga apektadong residente dulot ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Batangas First District Congressman Eileen Ermita-Buhain na kailangan nila ngayon ang face masks, tubig, pagkain at kumot at iba pa.

Sa ngayon, nagsilikas na ang mga residente ng first district ng Batangas sa mas ligtas na lugar.

Tiniyak naman ni Buhain na nasa kani-kanilang lugar ang mga mayor at iba pang local government officials para masiguro na natutugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.

Kasabay nito, sinuportahan ni Buhain ang panukala sa Kamara na maisulong ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) lalot nakararanas ang Batangas ng krisis dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal.

TAGS: Batangas, Bulkang Taal, Department of Disaster Resilience, Rep. Eileen Ermita-Buhain, Batangas, Bulkang Taal, Department of Disaster Resilience, Rep. Eileen Ermita-Buhain

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.