NAIA may partial operation na; ilang flights na delayed mula kagabi unti-unti nang napapaalis
Bukas na para sa partial operation ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Dahil naipon ang mga eroplanong paalis ng NAIA at lalapag ng NAIA, marami pa ring biyahe ng eroplano ang nananatiling kanselado habang ang ibang flights ay binago ang oras ng alis.
Ayon kay NAIA General Manager Ed Monreal, puno ng eroplano ang lahat ng terminal ng NAIA dahil walang nakaaalis na biyahe simula kagabi.
Sinabi ng Manila International Airport Authority at Civil Aviation Authority of the Philippines simula alas 10:00 ng umaga, unti-unti nang nakapagpaalis ng mga eroplano sa NAIA. Habang ang mga paparating na eroplano naman ay magsisimulang lumapag alas 12:00 ng tanghali.
Umaapela ng pang-unawa ang pamunuan ng MIAA at NAIA sa mga pasahero dahil hahaba ang separation time sa bawat aalis at lalapag na flights dahil maraming eroplano ang nabinbin sa NAIA terminals.
Uunahing paalisin ang mga biyaheng delayed simula pa kagabi, sunod ang mga eroplanong delayed ang biyahe simula kaninang umaga.
Simula alas 4:00 ng madaling araw ay inumpisahan na ang paglilinis sa mga runway sa NAIA dahil sa ashfall.
Ayon kay CAAP Director General Jim Sydiongco, hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang paglilinis sa ruinways, taxiways at ramps ng NAIA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.