DSWD Region 4-A umapela ng donasyon at nangangailangan din ng volunteers

By Dona Dominguez-Cargullo January 13, 2020 - 11:48 AM

Umapela ng donasyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 4-A para sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa abiso ng DSWD Region 4-A maaring magdonate ng bottled water, face masks, hygiene kits, sleeping mats, canned goods, biscuits, noodles, at iba pang read to eat na pagkain.

Maaring dalhin ang donasyon sa DSWD field office IV-A sa Abalang-Zapote Road sa Muntinlupa City; DSWD field office IV-A Warehouse sa GMA, Cavite; at sa National Resource Operations Center sa Pasay City.

Nananawagan din ang DSWD ng mga nais maging volunteer para tumulong sa pag-repack ng relief items.

Maaring magtungo sa warehouse ng DSWD sa GMA, Cavite o sa sa National Resource Operations Center sa Pasay City para makatulong sa repacking.

Ang oras ng pagre-repack ay mula alas 8:00 ng umaga bukas, Jan. 14.

 

TAGS: ashfall, donations, dswd, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine News, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, volunteers, ashfall, donations, dswd, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine News, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, volunteers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.