Tatlong lansangan sa Region 4-A sarado sa mga motorista dahil sa ashfall

By Dona Dominguez-Cargullo January 13, 2020 - 11:27 AM

Tatlong kalsada sa Region 4-A ang hindi madaanan ng mga motorista dahil sa kapal na abo na bumagsak bunsod ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Sa update mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), base sa datos ng Batangas District Office, sarado sa mga motorista ang sumusunod na kalsda:

1. Tanauan-Talisay-Tagaytay Road, Talisay-Tagaytay Section, Talisay, Batangas
2. Tagaytay-Taal Lake Road, Tagaytay, Cavite
3. Tagaytay-Talisay Road, Tagaytay, Cavite

May itinalaga nang equipment at mga tauhan ang DPWH sa naturang mga lugar para linisin ang kalsada.

Samantala, nagtalaga din ang DPWH Central Office ng kanilang shuttle buses sa Laurel at Talisay Batangas.

Ito ay para makatulong sa paglilikas ng mga residente.

TAGS: ashfall, closed roads, DPWH, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine News, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, unpassable roads, ashfall, closed roads, DPWH, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine News, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, unpassable roads

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.