Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, mahalaga na present ang mga Mayor, Vice Mayor at mga konsehal para anumang oras ay makapagdeklara ng state of calamity kung kailangan.
Ito ay para maging mabilis din ang pagtulong sa mga residenteng apektado.
Panawagan ng DILG sa mga alkalde, huwag umalis sa kanilang nasasakupang mga lugar at personal na pamunuan ang pagtulong sa kanilang mamamayan.
Inaasahan ani Densing na lahat ng alkalde sa mga apektadong lugar ay present at hindi iiwan ang kani-kanilang nasasakupan.
Kung wala sa bansa o kaya ay nasa out of town, sinabi ni Densing na dapat nang bumalik ang mga ito sa lalong madaling panahon.
Kung mayroon namang travel order at paalis pa lamang ay mabuting kanselahin na ito.