LGU officials sa mga lugar na apektado ng pag-aabuuruto ng Bulkang Taal inatasang manatili sa kani-kanilang nasasakupan

By Dona Dominguez-Cargullo January 13, 2020 - 11:11 AM

Inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan sa mga lugar na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal na maging present at available anumang oras.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, mahalaga na present ang mga Mayor, Vice Mayor at mga konsehal para anumang oras ay makapagdeklara ng state of calamity kung kailangan.

Ito ay para maging mabilis din ang pagtulong sa mga residenteng apektado.

Panawagan ng DILG sa mga alkalde, huwag umalis sa kanilang nasasakupang mga lugar at personal na pamunuan ang pagtulong sa kanilang mamamayan.

Inaasahan ani Densing na lahat ng alkalde sa mga apektadong lugar ay present at hindi iiwan ang kani-kanilang nasasakupan.

Kung wala sa bansa o kaya ay nasa out of town, sinabi ni Densing na dapat nang bumalik ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Kung mayroon namang travel order at paalis pa lamang ay mabuting kanselahin na ito.

TAGS: ashfall, DILG, Inquirer News, LGUs, Mayor, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, phivolcs, Radyo Inquirer, Taal volcano, Taal Volcano eruption, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vice-mayor, ashfall, DILG, Inquirer News, LGUs, Mayor, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, phivolcs, Radyo Inquirer, Taal volcano, Taal Volcano eruption, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vice-mayor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.