Pangulong Duterte nakabalik na ng Manila; naka-monitor sa Bulkang Taal

By Chona Yu January 13, 2020 - 10:58 AM

Nasa Manila na ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senador Bong Go, personal na mino-monitor ni Pangulong Duterte ang lagay ng nag-aalburutong Bulkan Taal.

Sa larawan na ipinamahagi ni Go, makikita ang pangulo na nakasilip sa bintana ng eroplano at tinitingnan ang paligid.

Ayon kay Go ang eroplanong sinasakyan nila ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unang nakalapag sa Manila kaninang umaga.

Sinubukan aniya ng pangulo na pumunta ng Manila kahapon subalit hindi natuloy dahil sa makapal na usok at abo na ibinubuga ng Bulkang Taal.

TAGS: ashfall, Bulkang Taal, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, phivolcs, president duterte, Radyo Inquirer, Taal volcano, Taal Volcano eruption, Tagalog breaking news, tagalog news website, ashfall, Bulkang Taal, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, phivolcs, president duterte, Radyo Inquirer, Taal volcano, Taal Volcano eruption, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.