20 military vehicles tumutulong sa rescue operations sa Batangas

Nagpadala na ng 20 military vehicles ang Philippine Army para tumulong sa rescue operations sa mga apektadong lugar sa Batangas at Cavite bunsod ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon kay Lt. Gen. Gilbert Gapay, Commanding General Philippine Army, nakaalerto ang lahat ng units ng Philippine Army sa Luzon.

Nagpadala na rin ng 20 military vehicles at 120 tauhan para tumulong sa mga residente sa mga apektadong lugar sa Batangas.

Nakataas na rin sa red alert status ang mga unit ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division at 202nd Infantry “Unifier” Brigade sa CALABARZON.

Habang naka-standby ang reserve units mula sa National Capital Region sa sandaling kailangan ding i-deploy.

Read more...