Mahigit 15,000 katao na ang inilikas dahil sa pagputok ng Bulkang Taal
Umakyat na sa mahigit 15,000 katao ang inilikas bunsod ng pagputok ng Bulkang Taal.
Ayon sa udpate mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 4-A, 3,456 na pamilya o katumbas ng 15,540 na katao na ang nasa mga evacuation centers.
Mayroong 62 evacuation centers kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga residenteng naapektuhan ng pagputok ng bulkan.
Ang mga evacuation centers ay nasa 14 na bayan sa Batangas at 2 bayan sa Cavite.
Tiniyak ng DSWD na patuloy ang ugnayan nito sa mga lokal na pamahalaan para sa paghahatid ng tulong sa mga naapektuhang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.