Tubig sa East Zone ng Metro Manila at Rizal nananatiling ligtas inumin – Manila Water

Tiniyak ng Manila Water na nananatiling ligtas inumin ang tubig sa East Zone ng Metro Manila at sa lalawigan ng Rizal.

Ito ay sa kabila ng naranasang ashfall dahil sa pagputok ng Taal volcano.

Payo ng Manila Water sa mga customers nito, takpan ng maayos ang mga water containers upang makaiwas sa kontaminasyon.

Pinayuhan din ang publiko na maging alerto at maghanda sa kasalukuyang sitwasyon.

 

Read more...