Mga manggagawa may karapatang tumangging pumasok sa trabaho – DOLE
Ipinaalala ng National Wages and Productivity Board ng Department of Labor and Employment na ang mga manggagawa ay may karapatang tumangging magtrabaho kung may panganib.
Ayon sa NWPB, sa ilalim ng Republic Act 11058, mayroong umiiral na “Workers’ Right to Refuse Unsafe Work”.
Sa nasabing probisyon nakasaad na maaaring hindi pumasok ang manggagawa kung may panganib sa lugar na pinagta-trabahuhan.
Maituturing na panganib kung maari itong magdulot ng karamdaman, injury o pakasawi.
Sa sitwasyon ngayon, ito ay maaring umiral sa mga lugar na apektado ng pag-aalburuto ng Taal Volcano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.