75 volcanic earthquake naitala sa nakalipas na magdamag sa Taal Volcano

By Dona Dominguez-Cargullo January 13, 2020 - 08:30 AM

Umabot na sa 75 ang naitalang volcanic earthquake ng Phivolcs dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ayon sa 8AM Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, sa 75 pagyanig, 32 ang nakapagtala ng intensities.

Naitala ang intensity 2 hanggang 5 sa Tagaytay City, Cabuyao, Laguna; Talisay, Alitagtag, Lemery at Bauan sa Batangas.

Alas 2:49 ng umaga at alas 4:28 ng umaga naman ay nakapagtala ng magmatic eruption sa bulkan.

Nananatili ang alert level 4 sa Taal at ayon sa Phivolcs posible pa rin ang malakas na pagsabog nito sa susunod na mga oras o araw.

TAGS: ashfall, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine News, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, ashfall, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine News, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.