“Walang bagong ebidensiya sa Mamasapano encounter” -Poe

By Jong Manlapaz, Mariel Cruz January 27, 2016 - 08:00 PM

SENATE HEARING MAMASAPANO
Kuha ni Jong Manlapaz

Hindi na babaguhin ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang nauna nilang desisyon hinggil sa madugong Mamasapano encounter.

Ito ay dahil walang lumutang na bago katulad na lamang testigo o ebidensiya sa isinagawang pagdinig ng komite sa Mamasapano encounter na kumitil sa buhay ng apatnapu’t apat na miyembro ng PNP-Special Action Force o SAF 44.

Ayon kay Sen. Grace Poe, walang nabanggit sa pagdinig na maaaring maging dahilan upang palitan ang kanilang committee report sa naturang insidente.

“Sinabi namin na tinatayuan namin ang unang committee report at sa tingin ko naman ay napagtibay na iyon. Marami tayong mga napagusapan ngunit iyan ay napagusapan na rin. Binigyan lang namin ng respeto at pagkakataon ang isang Senador na magtanong dahil wala siya noong unang mga pagdinig.” ani Poe.

Dagdag ni Poe, hindi ordinaryong police operation ang isinagawa ng PNP-SAF dahil ito aniya ay isang counter terrorism operation.

Malinaw aniya na may presensiya sa naturang operasyon ang mga puwersa ng mga Amerikano.

Inihayag din ni Poe na hindi nagbigay ng utos si Pangulong Noynoy Aquino na huwag magpadala ng military o artillery support sa naganap na naturang operasyon.

Ipinunto rin ni Poe na maraming lumabas na impormasyon na hindi sinunod ni Gen. Getulio Napeñas ang dapat na mga operasyon para mas maging ligtas ang SAF 44.

Sa huli, sinabi ni Poe na maaaring kinulang sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa pangulo kung nauwi sa madulog ang naturang operasyon.

TAGS: Mamasapano reinvestigation, Mamasapano reinvestigation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.