Passport applicants na apektado ng government work suspension ngayong araw, maaring ma-accommodate hanggang Feb. 13 ayon sa DFA

By Dona Dominguez-Cargullo January 13, 2020 - 07:55 AM

Suspendido ang operasyon ng Consular Offices ng Department of Foreign Affairs ngayong araw sa NCR, Calabarzon at Region 3.

Pahayag ito ng DFA kasunod ng utos ng Malakanyang na pagsusupinde sa pasok sa trabaho sa gobyerno ngayohng araw dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon sa DFA, ang mga aplikante para sa passport na may kumpirmadong appointments ngayong araw sa mga consular offices sa tatlong rehiyon ay ia-accommodate sa ibang petsa.

Sinabi ng DFA na maari silang magtungo sa consular office kung saan sila naka-appointment hanggang sa February 13, 2020.

Kailangan lamang ipakita ang katibayan na sila ay may kumpirmadong appointment na may petsa na Jan. 13, 2020.

TAGS: DFA, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, DFA, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.