Ayon sa DPWH, isang mini dumptruck, dalawang dumptruck, at 2 service vehicle ang nasa bayan ng Agoncillo.
Habang mayroon ding dalawang DPWH service vehicle na nasa bayan ng Lemery.
Ang nasabing mga sasakyan ng DPWH ay tumutulong na sa rescue operations sa Batangas I, II II at IV District.
Samantala, ayon sa DPWH, dalawang national roads sa Batangas ang pansamantalang isinara sa mga motorista.
Ito ay ang Tagaytay – Talisay Road at ang Tagaytay Taal Lake Road.
MOST READ
LATEST STORIES