Panibagong M4.1 na lindol tumama sa Agoncillo, Batangas
By Dona Dominguez-Cargullo January 13, 2020 - 07:15 AM
Isa pang magnitude 4.1 na pagyanig ang tumama sa bayan ng Agoncillo sa lalawigan ng Batangas.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig alas 6:35 ng umaga ng Lunes, Jan. 13 sa layong 6 kilometers northwest ng Agoncillo.
May lalim na 8 kilometers ang pagyanig na bunsod ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Naitala ang Instrumental Intensity III sa Tagaytay City bunsod ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.