Operasyon ng NAIA target maibalik alas 8:00 ng umaga
Posibleng makapagbukas na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong umaga ng Lunes, Jan. 13.
Ayon sa sa abiso ng Philippine Arlines, target ng Manila International Airport Authority (MIAA) at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na maibalik ang serbisyp ng NAIA alas 8:00 ng umaga.
Sa ngayon sinabi ng PAL na patuloy ang koordinasyon nila sa pamunuan ng paliparan.
Sa sandali kasing lumala pa ang ashfall at ash cloud ay maaring mapalawig pa ang tigil-operasyon sa NAIA.
Daan-daang flights na ang nakansela dahil sa pagsasara ng NAIA simula kagabi bunsod ng naranasang ashfall sa Metro Manila mula sa nag-aalburutong Bulkang Mayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.