MRT-3 tuloy ang operasyon ngayong araw

Tuloy ang operasyon ng Metro Rail Transit – 3 ngayong araw.

Pahayag ito ni DOTr MRT-3 Director for Operations Michael Capati, matapos makaranas ng ash fall sa Metro Manila mula sa Taal Volcano.

Ayon kay Capati, minimal lamang ang naging epekto sa MRT-3 ng ash fall.

Patuloy aniyang imomonitor ang sitwasyon sa maghapon at agad mag-aabiso sa publiko kung kakailanganing itigil ang operasyon.

Read more...