Sunog sumiklab sa residential area sa Quezon City
Nasunog ang isang imbakan ng office supplies sa residential area sa Brgy. Pinagkaisahan, Quezon City, hatinggabi ng Lunes.
Ayon kay Bureau of Fire Protection – Quezon City Senior Fire Officer 3 Marcus Munda, pagmamay-ari ng isang alyas ‘Domeng’ ang naturang imbakan.
Nagsimula ang sunog alas-12:15 at agad na itinaas sa ikalawang alarma.
Damay sa sunog ang gilid ng bahay ni Myla Factora.
Ayon kay Factora, isang malakas na putok ang kanilang narinig na agad sinundad ng pagsiklab ng apoy.
Wala namang nasaktan sa sunog at patuloy ang inaalam ang sanhi nito at ang halaga ng pinsala sa ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.