Rollback sa presyo ng diesel at gaas ipatutupad bukas, Jan. 14

By Rhommel Balasbas January 13, 2020 - 05:00 AM

Magpapatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, January 14.

Ito ay sa kabila ng pangambang may taas-presyo dahil sa tensyon sa Middle East.

Sa abiso ng Cleanfuel, Shell, at Petro Gazz, may bawas na P0.20 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Ang kerosene o gaas ng Shell ay may tapyas ding P0.30 sa kada litro.

Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Una nang nagpatupad ng rollback ang Cleanfuel alas-4:01 pa lang hapon ng Linggo at susundan ng Shell, Cleanfuel at iba pang kumpanya alas-6:00 bukas ng umaga.

Ayon sa oil industry sources, ang hindi na pagganti ng US ay nakatulong para humupa ang pagsipa ng petrolyo sa world market.

TAGS: oil price rollback, petroleum products, US-Iran tensions, oil price rollback, petroleum products, US-Iran tensions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.