Ashfall umabot na hanggang Bulacan

By Rhommel Balasbas January 13, 2020 - 04:24 AM

Patuloy ang pagdami ng mga lugar na nababagsakan ng abo bunsod ng pagsabog ng Taal Volcano araw ng Linggo.

Ayon sa 3:30am eruption update ng PHIVOLCS, ang mga lugar na apektado ng ashfall ay:
– Tanauan, Batangas
– Escala, Tagaytay
– Sta. Rosa, Laguna
– Dasmariñas, Bacoor, Silang, Cavite
– Malolos, San Jose, Meycauyan, Bulacan
– Antipolo, Rizal
– Muntinlupa
– Las Piñas
– Marikina
– Parañaque
– Pasig
– Quezon City
– Mandaluyong
– San Juan
– Manila
– Makati
– Taguig

Ayon pa sa Phivolcs, bumagsak naman ang larger particles na tinatawag na ‘lapilli’ sa mga sumusunod na lugar:
– Tanauan at Talisay, Batangas
– Tagaytay City
– Nuvali at Sta. Rosa, Laguna

Babala ng Phivolcs, ang fine ashfall ay delikado at posibleng magdulot ng iritasyon at problema sa paghinga sa matatanda at mga bata.

Pinapayuhan ang publiko na gumamit ng N95 grade facemasks at basing tuwalya o tela.

Pinag-iingat din ang mga motorista sa pagmamaneho dahil sa poor visibility na dulot ng abo at madulas na mga kalsada.

TAGS: ashfall, Central Luzon, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Taal Volcano, ashfall, Central Luzon, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Taal Volcano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.