M4.1 at M4.0 na lindol magkasunod na yumanig sa Batangas

Ilang minuto lang ang naging pagitan ng dalawang may kalakasang lindol na yumanig sa Batangas, Lunes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, alas-3:11 nang tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa layong walong kilometro Hilagang-Kanluran ng Agoncillo.

May lalim itong 10 kilometro.

Naitala ang Intensity IV at Instrumental Intensity IV sa Tagaytay City.

Alas-3:24 nang tumama naman ang magnitude 4.0 sa layong isang kilometro Timog-Kanluran ng Agoncillo.

May lalim itong isang kilometro.

Naitala ang Intensity III at Instrumental Intensity III sa Tagaytay City.

Volcanic ang dahilan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Ang mga lindol ay bunsod ng pagsabog ng Taal Volcano na ngayon ay nasa Alert Level 4 na.

Read more...