2,500 pamilya nasa evacuation centers na sa Batangas at Cavite
Aabot na sa higit-kumulang 2,500 pamilya ang nananatili sa 45 evacuation centers na binuksan sa 12 lungsod at bayan sa Batangas at Cavite.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development – Calabarzon, nabigyan na ang mga apektadong pamilya ng hot meals.
Mayroon ding nakahandang 5,700 food packs at relief goods na ipamamahagi sa mga apektadong pamilya ngayong umaga.
Pansamantala namang inihinto ang rescue operations sa ilang bahagi ng Batangas ngayon dahil sa malala pa ring ashfall na nagdudulot ng zero visibility.
Ipagpapatuloy ang operasyon ngayong umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.